Wednesday, May 21, 2008

Ang Mga Nasa Utak Ko

Muli po akong magtatagalog. Ok. Taglish na lang kahit alam kong ang pangit yatang pakinggan habang nagbabasa ka noon. Sa totoo lang wala akong ganang magblog ngayon eh. Pero sabi ng utak ko e gumawa raw ako para sa ngayon. Sige, pagbigyan.

Hmm..

Nagbrown out pala kagabi. Ewan namin kung bakit. Nakakainis nga eh, kasi kachat ko sila Sheila noon. Ang sarap na nga ng usapan eh! tapos biglang dumilim. Haai. Kaya wala akong nagawa kundi humiga na lang ng kama tapos nagdasal ako. Relihyosa 'to noh! Ano ba sa palagay mo? Naman. Pagtapos ng ilang minuto, nagkaroon na ulit ng kuryente. Di na ako ulit nag online kasi tinatamad na ko eh. Nagkroon daw ulit ng brown out pagkatapos ng naunang brown out. Pero masarap na iyong tulog naming mag ama kaya di na namin namalayan. Nalaman ko na lang iyon noong kumakain kami ng tanghalian. Tapos wala akong ginawa maghapon kundi magbabad sa computer dahil magpapasukan na rin. Grabe. Sobrang aga ng pasukan namin, June 3! Kami na yata iyong may pinakamaagang pasukan. 'Yung mga public schools sa 10 daw. Haai. Unfair naman iyon! So, may balak akong tawagan 'yung eskwelahan tungkol dito. Paano, noong enrollment di man lang nakapost kung kelan 'yung pasukan. Kelangan pa sa iba manggaling 'yung info. Juiceko! Tapos ang mahal mahal ng tuition fee. At dahil MAHAL NA MAHAL kami ng paaralan namin, eh pinaaga 'yung oras ng pasukan at pina-extend naman 'yung dismissal. Naubusan na ako ng expression. Pasensya. At naiinis ako sa mga gamu-gamong ito. Ang kukulit! lipad dito, lipad doon. Kala mo kung si Darna eh hindi naman. Ay! nagpadeliver din pala kami ng McDo, inorder ko 'yung Cheeseburger Deluxe tapos may fries. Ang saraaaaap! Hinding hindi ako magsasawa sayo, Cheeseburger Deluxe! :P LSS ko rin pala 'yung Twilight by Vanessa Carlton. Naaaddict ako ngayon doon. Haha, Recommended by Sheila Yu. Thank you! :P Ito pala iyong lyrics baka sakaling naccurious kayo:

And I will never see the sky the same way and
I will learn to say good-bye to yesterday and
I will never cease to fly if held down and
I will always reach too high cause I've seen, cause I've seen, twilight


Ang ganda noh!? :D Chorus pala iyan. :P

May nakapagsabi rin palang bagay DAW na kantahin ko iyong kantang Thousand Miles. Si Vanessa rin ang kumanta noon. Nasabi ko kasi sa kanya na favorite kong kanta iyo. Eh di ayun. Salamat na rin. Kahit na tingin ko eh nangbubulatsing ka na naman. Huwag na nating banggitin iyong tao, baka chismis na naman iyan. Crush ni ganito si ganyan! Blah. Blah. Blah. E sa totoo naman magkaibigan lang sila. Tss. Whatev.

May balak na rin pala akong magdesign para doon sa susunod kong Blogger layout. 'Yung theme ko naman this time e "Key to My Heart". O di ba? Ang taraaay! Inspired by Gossip Girl 'yan, nanuod kasi ako kagabi noon eh tapos may nakita akong susing malaki so ayun. Wala lang, nai-share ko lang since BLOG nga naman ito di ba? :P

Nakakainis naman. Wala man lang nakaalalang magtext sa akin. Sabagay. Ganyan talagang ang buhay, parang life. Ok. Ang corny na yata noon. :P

Yehey! Umuulan ulit! Sige lang buhos! BUUUHOS! :>

Sige, hanggang dito na lang muna 'yung blog ko. Nasabi na nya iyong mga gusto nyang masabi. Hanggang sa mulii! *wave hands*

No comments: