Thursday, May 15, 2008

Bangag

Magtatagalog muna ako ngayon dahil wala pa ako sa tamang katinuan. Nagkakaintindihan ba tayo? :P

O! Anong nakain mo kagabi't ang aga mong nagising ngayon? Iyan ang unang reaksyon ng aking tiyahin nang ako'y bumaba ng hagdan at binati ng magandang umaga ang lahat. Marahil ang aking ama ay nagulat din nang makita ako sa sala ngunit hindi ito nagpahalatang gulat.

Naalala ko si Sheila ng di oras kaya dali-dali kong binuksan ang computer. Baka online sya ng mga oras na iyon. Pagkabukas ng YM ko, nakita kong wala sya. ngunit binigyan ko na lamang sya nga mensahe, baka nagtatago lang sya. At iyon nga, nagtatago nga lang sya. I'm trying to be emo right now, sabi nya. Hay nako, iyong kaibigan kong iyon. napaka-wirdo talaga. Pero kahit ganoon ang kanyang pag uugali, tunay naman syang kaibigan. *Sheila, you SHOULD be thankful I complimented you. Haha! :P* Ok. Pumunta naman tayo sa dako paroon. Online rin pala ang aking Tongpats, si NiƱa, kaya kinausap ko rin sya. Ayun, ang dami namin pinagusapan, kalog itong babaeng ito kahit na sa panlabas na anyo e medyo aakalain mong tahimik ito pero! Nasa loob lang po ang kulo nito. Hehehe, peace tayo 'pats.

Wakas.

Pasensya na po, bangag pa nga po yata ako ngayon kaya titigilan ko na itong blog na ito. Sige, paalam! :P

No comments: