Hmm... ayun. Di maganda ang linggo ko ngayon except sa isang bagay. Pero ayos lang, at least napatawa ako nung "bagay" na yun kahit papaano. :>
Hai. di ko akalaing ang Literature pala na long test na un eh sobrang hirap. kelangan mo talagang magdictionary para masagutan ung essay test na un. Actually, may vocab din tapos un din ung nagpabagsak sa test ko. :| pero ang English, minani ko lang. Weeeeeh yabang porket nakapasa lang. Hahaha, anyway, ayun. tambak tambak ang quizzes sa chinese rin kasi walang pasok nung Wednesday dahil sa bagyo. Ang sarap ngang mag swimming nang umuulan eh. Pero pag akyat namin sa classroom, nako. promblema un. wala kasing payong so nanghiram kami tsaka pinangtakip na lang namin un mga twalya namin.
Anywaaaaay. Nagpunta ako kanina sa YMCA para sa review namin for college. Tapos meron kaming isang teacher for Science slash Math sya. Ayun. He has a great sense of humor and really friendly. Tulad ng ibang teachers sa school namin, may expression sya eh. "ANYWAAAAAY." :)) ayun. May nakwento rin pala sya kanina. Nakwento sa kanya ng kaibigan nya na noong may P.E sila sa isang college na to eh may pool daw sila na eh ang lalim ay 13 ft. so ayun, pag dive daw nila, may bangkay na nakita. Kakatokot noh? :O
Tapos noong lunchbreak naman, ayun. sangkatutak na biruan. :)) tapos may dumating ng tao. Grabe. HOTT. I mean, HOTT un body nya. haha, :P kala namin gym instructor since nakaT-shirt lang na may kwelyo ang suot nya. Yun pala sya un magtuturo sa amin so tawa kami ng tawa kasi nga hott ung katawan. MUSCLES all over ba naman noh. :)) At ang galing pang magsalita ng English at, Filipino. :> nag aaral din sya doon sa kaninang school na binanggit ko pero Medicine naman ang course nya. May balak syang maging plastic surgeon eh.
I want to a plastic surgeon actually. So, when you guys grew up a little bit more and want to enhance/reduce something on you bodies, just make an appointment and I might give a deduction on your payment. Just say it that you have been my student on review though. Okaay?
Oh di baaaa!? pero di un exact na sinabi nya ha! :P anyway, ayun. magaling naman syang magturo rin. Oi. Porket sinabi ko lang na hott un katawan nya magaling nang magturo ah.
Excited na ako sa Monday! Manlilibre kasi ako sa Shakey's kasi birthday ko sa Tuesday! Yehey! Kasabay ko rin pala ung school na magbbirthday. O di ba kamusta naman yun?! :> Tapos sa Tuesday walang pasok. YES!
Ayun lang naman ang ikkwento ko. Paalam. Gagawin ko pa tong mga assignments ko.
SHOCKS. Sana wala sa mga teachers ko na nabanggit ang bumasa nitong blog ko. kundi patay ako. Anyway, kung nabasa nyo 'to, err... isang malaking HELLOOOO!! with matching wave hands na lang nga. haha, :P
No comments:
Post a Comment