Friday, June 20, 2008

Stressed.

Warning: this blog may contain harsh words by the author. Parental Guidance is recommended. And. I will be using Filipino language to express my feelings for now. Thank you.

AAARRRGHH. NAIINIS AKO SA SARILI KO NGAYON. as in. Kasi naman napakatanga ko dahil hindi ako marunong mag commute. Ayan tuloy hindi ako makakapunta sa mga gusto kong puntahan. Aaminin ko sa SM Manila ako laging nags-shopping kasi malapit lang sa bahay. Ay grabe. nas-stress na ako! tatlong linggo pa lang kami sa school nyan ah! Siguro nga ganito 'yung feeling ng senior ka na. :|

Anywaaay. Ayun nga di ba? di ako marunong mag commute so di ako makakapunta bukas sa mumurahing review class doon malapit sa may DLSU. 'Yung ibang mga kaibigan ko makakapunta kasi marunong mag commute. O kaya may kanya-kanyang kotse sila, palibhasa mga anak mayaman eh. Di tulad ko. :| Juiceko! Gusto ko nang matutong magmaneho! O kaya mag commute man lang. Paano na lang ako nito sa college noh! mygawd! tulong!!

Nagpapaka-optimistic nga ako ngayon pero ngayon di ko talaga kaya dahil nga dito. Medyo you know, seryoso. Natatakot nga rin akong mag commute kasi wala akong kasama eh. Ayun. Sana sa susunod matuto akong mag-LRT. And dami daming mga LRT ngayon tapos ako di marunong, aba! di fair 'yon!

So balak ko, sa ACTS na lang ako kasi sabi ni papa malapit lang ung review center. Sana naman meron silang mga review classes kahit June na. :| Tapos ung NSO birth certificate ko pala wala rin, eh kelangan daw sa DLSU and UST. Ipapadeliver ko na lang dito sa bahay.

And speaking of DLSU and UST, bumagsak sila sa Top 500 schools in the World. pang-513 ang DLSU and 539 yata ung UST. Ung U.P and Ateneo naman pumasok. Umaasenso ano? Haha! :P

Ay siya sige! matutulog na ko, sinabi ko lang 'yung mga hinanaing ko ngayon. Pupunta pa kasi ko sa kaibigan ko bukas eh. Hehe, good night! :D

2 comments:

N. said...

ayus lang yan. matututo ka rin naman kapag tumagal :) kapag mag e-lrt ka naman, diba sabi mo malapit ka sa sm manila? sakay ka lang ng lrt tas baba ka na sa taft. tas na sa dlsu ka na!

divina said...

eeeh. natatakot nga ako eeh. :|